2 bahay ni ex-BuCor Chief Gerald Bantag, sinalakay ng NBI; Bantag, bigong maaresto!

Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang dalawang bahay ni dating Bureau of Correction Chief Gerald Bantag sa Laguna at Caloocan.

Si Bantag ang sinasabing utak sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay NBI-NCR Assistant Regional Director Joel Tovera, nakatanggap sila ng impormasyong may nagpupuntang grupo sa dalawang address ng bahay ni Bantag.


Wala si Bantag sa bahay nito sa Sta. Rosa, Laguna pero ilang casing ng bala ng baril ang nakuha ng NBI sa isa sa mga kwarto nito.

Wala ring tao sa isa pa niyang bahay sa Caloocan.

Nagpaskil naman ang NBI agents ng wanted posters sa mga bahay ni Bantag na kasalukuyang may dalawang milyong pisong patong sa ulo.

Facebook Comments