Bakuna kontra ASF, aprubado na ng FDA; inisyal na 150-K doses, ikakalat sa mga Red Areas sa bansa

Sisimulan na sa Agosto ng Department of Agriculture (DA) ang rollout ng bakuna kontra sa African Swine Fever (ASF) sa mga lugar na apektado ng sakit sa baboy.

Sa isang pulong balitaan, inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na aprubado na ang Certificate of Product Registration ng bakuna.

Ayon ka Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nasa 150,000 vaccine ang agad na ikakalat sa mga tinatawag Red Areas ng ASF, partikular sa lalawigan ng Batangas at Mindoro.


Naglaan ang DA ng ₱350-M na pondo para sa vaccine rollout.

Sinabi ni Tui Laurel na dahil limitado pa ang bilang ng bakuna kontra ASF ay restricted muna ito, pero ibibigay ito ng libre.

Ang Certificate of Product Registration ay may 2-year validity at oobserbahan ang resulta sa loob ng apat na buwan.

Facebook Comments