
Cauayan City – Ginawaran ng Police Regional Office 2 ng Medalya ng Sugatang Magiting ang dalawang Bamboo Cops na nadamay sa isang aksidente habang nagmamando ng Checkpoint sa Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang dalawang pulis na sina Patrolman Jonathan Reyes at Police Chief Master Sergeant Arvin Gammad na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan dahil sa naganap na aksidente.
Personal na binisita ni PRO 2 Regional Director Police Brigadier General Antonio Marallag Jr., at ni Isabela Police Provincial Director Police Colonel Lee Allen Bauding ang dalawang pulis sa ospital kung saan sila kasalukuyang nagpapagaling upang kumustahin ang kanilang kalagayan.
Maliban sa medalyang iginawad sa kanila, nakatanggap din ang dalawang pulis ng tulong pinansyal.