2 bangkay nahukay sa landslide sa Northern Samar; biktima ni Bagyong Enteng sa Region 8 umabot na sa 10,000

Dalawang bangkay ng mga biktima ng landslide ang narekober ng Search and Retrieval team sa Barangay Sto. Niño, Biri, Nothern Samar, bandang alas-11 ng umaga kahapon, Setyembre 2, 2024.

Kinilala ang mga biktima na sina Federico Galvan Sabangan Sr., 76 anyos, at ang anak nitong si Federico Acuña Sabangan Jr., 29 anyos, residente ng lugar.

Ang mga biktima ay natakpan ng gumuhong lupa dahil sa ulan na dala ni Bagyong Enteng kahapon sa Northern Samar.


Maliban sa nasawi, patuloy pang ginagamot sa ospital ang apat na residente sa lugar dahil nagtamo ng sugat matapos ang insidente.

Samantala, sa buong Eastern Visayas umabot na sa 10,981 o 45,317 na mga indibidwal galing 19 na mga LGUs ang naapektohan ng Bagyong Enteng.

59 na pamilya o 234 na mga indibidwal naman ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers.

Facebook Comments