Nakarekober ang Urban Search and Rescue team ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent sa Türkiye ng dalawang bangkay at putol na binti sa kanilang isinasagawang search and rescue operations sa Türkiye.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), nahukay ang mga labi kahapon mula sa gumuhong gusali sa “Section N” sa Adiyaman, Türkiye.
Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin sa paghuhukay ang ating team sa mga gumuhong gusali kung saan nasa ikalimang araw na sila ng kanilang misyon.
Samantala, pinagkalooban din ng Philippine Emergency Medical Assistance Team ng atensyong medikal ang mga sugatang residente.
Kasunod nito, nagpapasalamat ang pamahalaan ng Türkiye sa inter-agency contigent ng Pilipinas na unang medical team na nakarating sa Adiyaman matapos itong yanigin ng magnitude 7.8 na lindol kamakailan.
Inaasahang tatagal ng dalawang linggo sa Türkiye ang ating team para sa kanilang mahalagang misyon.