2 Bangkay sa Alcala, Cagayan, Natagpuan sa Rescue Operation ng Philippine Coast Guard

48

Cauayan City, Isabela- Dalawang (2) bangkay ang natagpuan ng mga kasapi ng Philippine Coast Guard (PCG) District North Eastern Luzon sa kanilang ginagawang rescue operation sa kasagsagan ng malawakang pagbaha sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Matagumpay na nasagip ang ilang residente sa lugar ngunit wala nang buhay nang maabutan ang isang lalaki at isang babae.


Base sa inisyal na imbestigasyon, hindi pa makilala ang dalawang bangkay ngunit sila ay residente ng barangay Pared, Alcala, Cagayan.

Ang dalawang narekober ay tinatayang nasa edad 49-taong gulang na babae at isang 45 taong gulang na lalaki.

Facebook Comments