2 bangko, ipinasara ng BSP

Manila, Philippines – Ipinasara na ng Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)ang AMA Rural Bank of Mandaluyong, Inc. at ang Maximum Savings Bank, Incorporated.

Sa utos ng Monetary Board, ang policy making body ng BSP noon pang Nobyembre a-7 pinatitigil na sa operasyon ang  dalawang banko, alinsunod sa  Section 30  ng Republic Act No. 7653  o ang inamyendahang The New Central Bank Act.

Sabi ng BSP,  walang idudulot na masamang epekto sa banking systems ang pagsasara ng dalawang banko lalo na at maliit ang dalawang kumpanya.


Nabatid kasi na sa record ng BSP noong June 30 2019, umaabot lamang ang kabuuang assets ng dalawang banko sa 0.02 percent at 0.002 percent na mas mababa sa inaasahang total assets ng banking system.

Handa naman ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na pagsilbihan ang mga depositor ng  AMA Rural Bank of Mandaluyong, Inc. at Maximum Savings Bank, Inc.

Facebook Comments