2 Bantay ng COVID-19 Patient, Nahawaan

31

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo rin sa COVID-19 ang dalawang babae matapos mahawaan ng binabantayang pasyente na positibo sa virus sa Baggao, Cagayan.

Ang dalawang (2) nahawaan ay may bansag na CV 7752, dalaga, asymptomatic na Baggao at si CV7753, dalaga, asymptomatic na taga Monte Alegre, Amulung Cagayan habang ang binabantayan ay si CV 7751 na isang senior citizen na babae na mula sa bayan ng Baggao.


Pareho namang nasa CVMC Medical Ward ang dalawang nahawaan.

Si CV 7751 ay may comorbidity na hypertension at nagkaroon ng mild stroke noong Enero 27 at nagkaroon din ng ubo.

Isinailalim siya sa swab test noong February 6 at nagpositibo sa virus.

Nabatid na si CV 7751 ay nahawa rin sa kapwa pasyente sa ospital na si CV 7740.




Sa tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Provincial Health Office, may kabuuang 15 na katao ang nagpositibo kahapon, Pebrero 7, 2021 at may pito (7) na nakarecover sa sakit.

Facebook Comments