Nagpalabas ng show cause order ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) laban sa dalawang barangay chairman sa Quezon City.
Kasunod ito ng umano’y pagpapatupad nila ng ‘No Vaccination, No Quarantine Pass Policy’ sa lungsod.
Kabilang sa inisyuhan ng show cause order ay sina Barangay Quirino 2B Chairman Ritchie Poblacion at Barangay Central Chairman Rosa Magpayo.
Binigyan sila ng pitong araw para magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat sampahan ng kasong kriminal at administratibo.
Ayon sa ARTA, pinagbabawalan umano ng dalawang kapitan ang kanilang mga residente na kumuha ng quaratine pass nang walang vaccination card taliwas sa memorandum na inisyu ni Mayor Joy Belmonte.
Binalaan pa ng ARTA ang dalawang barangay chairman na kakasuhan sila ng paglabag sa “Ease of doing Business Law” kung mabibigong sumagor sa show cause order.