Umaabot sa 62 pamilya na binubuo ng 226 na indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan sa lungsod Quezon kahapon.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), inilikas sa 2 evacuation center ang mga apektadong indibidwal.
Dinala ang 37 pamilya sa Brgy. Masambong Covered Court, habang ang 25 pamilya naman ang inilikas sa Brgy. Sta. Lucia covered court.
Kasunod nito, patuloy ang paala ng NDRRMC sa publiko na aktibong mag-monitor sa taya ng panahon at sumunod sa abiso ng mga otoridad lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Facebook Comments