Mahigpit nang binabatayan ng mga pulis ang dalawang barangay ng San Juan City dahil may mataas itong kaso ng COVID-19.
Nilagyan ng barikada ang bawat entrance at exit ng barangay Greenhills at West Crame upang maharang ang papasok at lalabas sa nasabing mga Barangay.
Ayon kay San Juan City Mayor Fransisco Zamora, na ipinagutos naya na tanging mga residente lang dapat ang makakapasok ay makakalabas sa Barangay Greenhills at West Crame.
Kasama rin dito anya ang mga essential workers, gaya ng magdadala ng pagkain o mga nagdi-deliver ng mga essentials services.
Pagpasok sa nasabing dalawang Barangay, chine-check ng mga pulis ang ID at tinatanong kung bakit sila papasok sa nasabing dalawang barangay.
Base sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH), nadagdagan pa ng tatlo ang nagpositibo ng COVID-19 sa San Juan kung saan umabot na ito ng 45 na positibo sa nasabing virus, 92 ang Persons Under Investigation (PUI) at 162 Persons Under Monitoring (PUM).
Ang barangay Greenhills pa rin may pinakamaraming COVID-19 positive kung saan nasa labing lima na ito at pumangalawa naman ang West Crame na mayroong labing dalawa.