2 Barangay sa San Manuel, Isinailalim sa Critical Zone

1844

Cauayan City, Isabela- Muling isinailalim sa Enhanced Community Quarantine ang ilang barangay sa bayan ng San Manuel na kinabibilangan ng Purok 1 at 2 ng Brgy. District 2 at Purok Linglingay ng Brgy. District 3 dahil sa critical zone area ang nasabing lugar.

Ito ay batay sa ipinalabas na executive order no.48 na nilagdaan ni Mayor Manuel Faustino Dy.

Isinailalim naman sa Modified Enhance Community Quarantine ang Purok 1 at 3 ng Brgy. District 3 habang ang lahat ng purok ng Brgy. District 1 at District 4 ay nakategorya bilang buffer zone at nakapasailalim sa General Community Quarantine.

Ang mga nalalabing barangay ng bayan ng San Manuel ay nakategorya bilang area outside buffer zone.

Patuloy naman ang panawagan ng Lokal na Pamahalaan sa lahat ng residente nito na ugaliin ang pagsunod sa health protocol para makaiwas sa banta ng virus.

Facebook Comments