2 BARANGAY SA UMINGAN, SUMAILALIM SA IEC CAMPAIGN TUNGKOL SA TAMANG PAMAMAHALA NG BASURA

Muling isinailalim ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Umingan ang mga opisyal ng Barangay Pemienta at Annam sa Information, Education, and Communication (IEC) Campaign ukol sa Solid Waste Management noong Oktubre 25
hanggang 26.

Tinalakay sa aktibidad ang tungkulin ng mga barangay sa pagpapatupad ng wastong pamamahala ng basura tulad ng segregasyon, pagbabawas, at maayos na pagtatapon.

Kasama rin sa tinalakay ang mga umiiral na ordinansa ng bayan na may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nagsagawa rin ang MENRO Umingan ng katulad na kampanya sa Barangay Newly Elected Officials (BNEO) Summit noong Marso 4.

Facebook Comments