2 barko ng Philippine Navy bitbit ang tone-toneladang relief goods, dumating na sa Siargao Island

Dumating na sa Siargao Island ang dalawang barko ng Philippine Navy bitbit ang tone-toneladang relief goods para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza, dumating kahapon sa Dapa, Siargao ang BRP Iwak na may dalang relief goods tulad ng bottled water, water container at bigas.

Dumating din sa Siargao noong Martes ang BRP Ivatan mula sa Zamboanga kung saan may bitibit itong 5,000 kahon ng food packs mula sa DSWD.


Ayon kay Negranza, kabilang ang dalawang landing craft sa 19 na barkong ipinadala ng Philippine Navy upang tumulong sa humanitarian at relief operations para sa mga naapektuhan ng Typhoon Odette.

Samantala, bumiyahe na rin ang BRP Capones ng Philippine Coast Guard patungong Pag-asa Island upang maghatid din ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Facebook Comments