2 barko ng Philippine Navy, dumating na sa India para kunin ang mga medical supply at stranded na Pilipino

Nakarating na sa Cochin, India ang dalawang barko ng Philippine Navy para iuwi sa bansa ang mga donasyong face masks at mga stranded na Pilipino sa India.

Ang dalawang barkong ito ay ang BRP Davao Del Sur (LD602) at BRP Ramon Alcaraz (PS16), na dumating sa Cochin, India mula sa Oman.

Inaasahang lalayag sila pabalik ng Pilipinas matapos maikarga ang mga face masks na donasyon ng Pilipinong si Mr. Paul Dante ng LegalZoc Co., na binili sa India ng may koordinasyon sa Office of Civil Defense.


59 na kahon na naglalaman ng inisyal na 200,000 mula sa isang milyong pirasong donated face masks ang ikinarga sa BRP Davao Del Sur.

Isasakya rin pauwi ng Pilipinas ang 20 Pilipinong turista na estranded sa India nang kanselahin ang mga International flights dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Ang lahat ng mga ito ay may medical certificates na ligtas sila sa COVID-19 infection pero isasailalim parin sila sa isolation sa loob ng barko at 24-oras na oobserbahan ng onboard medical team.

Inaasahang darating sa bansa ang dalawang barko sa loob din ng buwang ito.

Facebook Comments