2 barko ng Philippine Navy idineploy sa Mindanao

Idineploy ng Philippine Navy ang BRP Ang Pangulo (ACS25) at BRP Emilio Jacinto (PS35) sa Mindanao upang makatulong sa naval operations sa lugar.

Pinangunahan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad ang send-off ceremony para sa dalawang barko sa Pier 13 ng Manila South Harbor.

Ang Presidential Yacht o BRP Pangulo na tinitimon ni Commander (Cmdr.) Miljun Peñaflorida ay idineploy sa Naval Forces Eastern Mindanao na naka base sa Davao bilang “augmentation” ng Operational Base ng Presidential Security Group (PSG) sa pag-secure ng tahanan ng Pangulo sa Davao.


Ang BRP Emilio Jacinto na tinitimon naman ni Cmdr. Aldrin Gacusan ay idedeploy naman sa Naval Forces Western Mindanao sa Zamboanga matapos sumailalim sa “weapons upgrade”, para makatulong sa pagbabantay ng territorial boundary ng bansa.

Maliban dito, ang dalawang barko ay inaasahang makakatulong din sa relief efforts sa mga lugar sa Mindanao na nakaranas ng pagyanig dahil sa kanilang “Humanitarian and Disaster Relief capabilities”.

Facebook Comments