2 bata, binaril ng tsuper dahil umano sa pambabato ng niyebe sa mga dumadaang sasakyan

MILWAUKEE, Wisconsin – Binaril ng isang tsuper ang dalawang bata edad 12 at 13 matapos umano silang mambato ng binilog na niyebe sa mga nagdaraang sasakyan.

Sa ulat ng pulisya, kasama ng dalawang bata ang isang grupo ng mga kabataan nang mahuli silang naghahagis ng niyebe nitong Sabado, Enero 4, bandang 7:50 pm.

Nang tamaan ng isa sa mga dumadaang puting Toyota na sasakyan, bigla umanong lumabas nag tsuper sakay nito saka pinaputukan ang dalawang biktima.


Natagpuan ng pulis ang isang 12-anyos na babae kasama ang 13-anyos na lalaki na may tama ng bala ng baril.

Agad namang naisugod sa ospital ang dalawa at kasalukuyang nagpapagamot.

Facebook Comments