2 bata, natagpuan ng garbage collector habang natutulog sa loob ng basurahan

(Picture: Getty Images/iStockphoto)

HOLYWELL, North Wales – Dalawang batang natutulog ang natagpuan sa loob ng basurahan nang tingnan ito ng isang driver ng truck ng basura.

Ayon kay Dave Pyne, 65, nang kokolektahin niya na ang basurahan sa lugar, mayroon daw kung anong nagtulak sa kanyang tingnan muna ito bago ilagay ang laman nito sa likod ng truck.

“I couldn’t believe what I saw. Inside were two young kids sleeping, a boy and a girl. They must have only been nine or 10,” aniya.


Agad niyang ginising ang mga bata ngunit sa takot ng mga ito ay dali-dali raw tumalon palabas at tumakbo papalayo ang dalawa.

Hindi na raw bumalik ang mga bata kaya inireport niya ito sa kinauukulan.

Kaugnay nito, inamin ng waste management firm ng lugar na madalas daw ginagawang tulugan ng mga taong lansangan ang mga nakalagay na basurahan.

Samantala, sa ulat na inilabas ng Health and Safety Executive, hindi umano bababa sa 7 katao ang namatay na sa huling 5 taon dahil sa pagtulog sa mga garbage bins.

Ibinahagi naman ni Pyne na madalas daw nakakakita sila ng mga kumot at ibang gamit na maaaring naiiwan ng mga natutulog dito.

Paalala niya sa mga nangongolekta ng basura, tingnan muna ang loob ng mga basurahan bago ilagay ang laman nito sa truck.

“Once that bin is emptied into the truck it’s too late. There is a blade inside that cuts through the rubbish. A person would be crushed,” paliwanag niya.

Facebook Comments