Cauayan City, Isabela- Agad na binawian ng buhay ang dalawang magkapatid habang matapos kumain ng ‘kuret’, isang uri ng crabs sa Sta. Ana, Cagayan.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay PSSG. Charles Recolizado ng PNP Sta. Ana at Imbestigador sa kaso, ‘food poisoning’ ang inisyal na lumabas sa pagsusuri ng doktor na sanhi ng pagkamatay ng dalawang magkapatid.
Ayon sa report, nakuha ang crabs sa pangingisda ng biktimang si Eugenio Cuabo Sr. na kanilang inulam.
Tatlong pamilya pa ang nalason subalit maayos na rin ang kondisyon matapos maagapan ang pagkalat ng lason sa kanilang katawan makaraang paghatian ang nahuling uri ng crabs.
Kasalukuyan na kumakain ang mag-aama ng makaramdam ng panginginig sa katawan na agad naman nilang inihingi ng saklolo sa mga kapitbahay para maisugod sa pagamutan.
Dahil dito, hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang 5-taong gulang na bata na si Reign Clark at Macniel Craig Cuabo na 2-anyos.
Sa ngayon, stable na ang kondisyon ng padre de pamilya matapos ang nangyaring insidente.
Samantala, kumuha na ng samples ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa gagawing pagsusuri sa nakalason sa mga biktima.