2 bata, patay matapos ikandado ng sariling ama sa truck sa loob ng 5 oras

(Shutterstock)

OKLAHOMA, US – Patay ang dalawang bata matapos ikandado ng kanilang ama sa loob ng truck na tumagal ng limang oras noong Sabado.

Ayon sa ulat ng Fox23, inaresto ng pulisya ang suspek na si Dustin Lee Dennis, 31, sa two counts of second-degree murder dahil sa pagkakasawi ng kanyang dalawang anak na nasa edad 5 pababa.

Base sa salaysay ni Dennis sa awtoridad, tanghali raw nang magtungo sila ng mga anak sa isang convenience store at nang makabalik umano sa bahay ay nakatulugan niya ang dalawa.


Pagbukas daw niya ng sasakyan ay bumungad ang nakandusay na mga bata.

Nang kanya raw bitbitin papasok ng bahay makalipas ang ilang oras ay hindi na maisalba ang mga anak.

Samantala, naiulat naman ng pulisya na isang kapitbahay umano ang nakakuha ng video habang inila-lock ni Dennis ang dalawa sa loob ng kanyang truck.

Pumasok daw ito sa bahay na hindi kasama ang mga bata.

Hinuli ang suspek at idinala sa Tulsa County jail na may karampatang pyansa na $1 million o mahigit P50 million.

Facebook Comments