2 bata sa Pangasinan sugatan dahil sa paputok noong Pasko

Dalawang bata ang naitalang sugatan dahil sa paputok sa lalawigan ng Pangasinan sa araw ng Pasko at dahil dito bigo na ang target ng Pangasinan Health Office na zero firecracker related injury.

Sa panayam ng iFM Dagupan kay Dra. Anna De Guzman, isang lalaking anim na taong gulang na mula sa Dagupan City ang nasugatan sa leeg dahil sa luces.

Kwitis naman ang dahilan ng pagkakasugat sa ulo, mukha at leeg ng isa pang anim na taong gulang mula sa San Carlos City na dinala sa Pangasinan Provincial Hospital na tumangging magpa admit.


Mas mababa umano ang bilang na dalawa kumpara noong nakaraang taon na mayroong tatlong naitalang kaso.

Kahit pa bigo na makuha ang target na zero firecracker injury ipagpapatuloy umano ng Pangasinan Health Office ang kampaniya kontra Iwas Paputok.

Facebook Comments