Huling niyanig ng magnitide 4.7 na lindol ang bayan ng Balangiga sa Eastern Samar kaninang ala-1:28 ng hapon.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang sentro ng lindol sa layong 32 kilometro ng Kanluran-Silangan ng Eastern Samar.
May lalim na 10 kilometro ang pinagmulan ng lindol at tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang Intensity 2 sa lungsod ng Tacloban at Palo sa Leyte.
Bago ito, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Homonhon (Guiuan) sa nasabi ring lalawigan bandang ala-1:23 ng hapon.
Naramdaman ang intensity 3 sa Honundayan at Hinunangan sa Southern Leyte, Dulag at Abuyog sa Leyte.
Intensity 2 sa Alangalang Leyte, intensity 1 sa Albuera, Leyte, Basey, Samar at Sogod sa Southern Leyte.
Bandang ala-1:22 ng hapon nang unang yanigin ng magnitude 4.9 ang Abuyog, Leyte.
Ayon sa PHIVOLCS, walang dalang pinsala ang tatlong magkasunod na lindol at wala ring inaasahang aftershocks.