Cauayan City, Isabela- Tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang dalawang (2) benepisyaryo sa ilalim ng Balik Probinsya Program ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Ang pamamahagi ng livelihood kits sa mga natukoy na benepisyaryo ay bahagi ng Livelihood Seeding Program ng DTI.
Layon nito na matulungan ang mga pamilyang umuwi sa probinsya dulot ng pandemya upang muling makapagsimula ng negosyo sa kani-kanilang lugar.
Patuloy naman na aasistehan ng DTI ang mga benepisyaryo sa kanilang negosyo at babantayan upang matiyak na napapalago ang ibinigay na tulong.
Ang dalawang benepisyaryo ay makakatanggap din ng tulong mula sa provincial government ng Isabela at LPGMA.
Facebook Comments