Manila, Philippines – Bumungad sa mga pasahero ang dalawang magkasunod na aberya ng Metro Rail Transit (MRT) kaninang umaga.
Sa abiso ng MRT, pinababa ang mga pasahero sa Kamuning station southbound alas-6:28 ng umaga.
Itinaas kasi ang category 3 sa status ng biyahe makaraang isang tren ang makaranas ng technical problem.
Kasunod nito, muling nagkaaberya ang biyahe ng MRT dakong alas-7:34 ng umaga dahilan para pababain ang mga pasahero sa Shaw Boulevard Station southboun.
Ang mga pasaherong naapektuhan sa dalawang magkasunod na aberya ay agad din namang pinasakay sa kasunod na tren.
Habang ang mga nagkaproblemang tren ay ibinalik na sa depot para makumpuni.
Facebook Comments