Bataan – Patay sa police operation kagabi ang dalawang high value target sa Barangay Jose, Balanga City, Bataan.
Sa report mula kay police Supt. Joel Tampis, hepe ng Balanga City PNP, kinilala ang mga napatay na sina Ronnie Manaloto, 40 anyos, residente ng Orion, Bataan at si Dennis din ng San Francis 1, Limay, Bataan.
Ayon sa pulisya, kapwa bumunot ng cal. 38 pistol ang mga suspek kaya’t gumanti ang mga otoridad.
Nabatid na nagkaroon ng transaksyon ang mga suspect kung saan dalawang large size na sachet ng shabu kapalit ng 6,000 pesos.
Sa inventory ay nakuha pansa kanila ang 13 large sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.
Nabatid sa mga pulis na kapwa nakulong na ang mga napatay mula 2003 hanggang 2016.
Pagkalaya ay muling bumalik sa pagbebenta ng droga.