2 Binata, Huli sa Pagtutulak ng Droga!

70

Cauayan City, Isabela- Sa kulungan ang bagsak ng dalawang binata matapos mahuli sa drug buy bust operation ng pulisya sa Purok 1 Brgy. Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Ferdinand Laudencia, OIC ng PNP Solano, Nueva Vizcaya, ang dalawang nahuli ay sina Rocky Covita, 22-anyos, binata at si Ricardo Antonio, 26-anyos, binata, nasa DI list na kapwa residente ng La Torre, Bayombong, Nueva Vizcaya.


Dakong 9:30 ng umaga kamakalawa nang mamataan ng pulisya ang dalawang binata kung kaya’t agad na ikinasa ang drug buy bust operation.

Nakumpiska sa pag-iingat ng dalawang binata ang apat (4) na pakete ng hinihinalang shabu, kulay puti na Honda XRM 125, dalawang unit ng cellphone, lighter at P500 na marked money.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kaso laban sa dalawang binata na may kinalaman sa section 5 at 11 ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers