2 Binata na may Kasong Frustrated Homicide, Arestado

68

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang dalawang lalaki matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Marasat Grande, San Mateo, Isabela.

Nakilala ang mga akusado na sina Ramil Asuncion, 24 anyos, binata, isang mgsasaka at Rolly Delos Reyes, 34 anyosm walang asawa, isang magsasaka at kapwa residente ng Brgy. Pagrang-ayan, Ramonm Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Ramon,dinakip ang mga akusado matapos ang isinagawang koordinasyon sa PNP San Mateo na nagresulta sa pagkakaresto nito habang ipinalabas ni kagalang galang hukom Efren Cacatian ng RTC Br. 35 Santiago City na may petsang Nobyembre 12, 2019 para sa kasong Frustrated Homicide.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng mga ito kung makakapaglagak ng piyansnag nagkakahalaga ng (72,000.00) bawat isa.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang mga akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments