2 Binatilyo, Nagpositibo sa UK COVID variant

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan muli ang mga nagpositibo sa B.1.1.7 variant o UK variant mula sa Cordillera Administrative Region matapos itong kumpirmahin ng Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at ang UP-National Institutes of Health (UP-NIH).

Base sa inilabas na ulat, dalawa (2) sa mga ito ang labindalawang-taong gulang na mga lalaki kung saan konektado ang mga ito sa orihinal na cluster mula sa Samoki, Bontoc,Mountain Province.

Habang ang isa naman ay 41-anyos na babae kung saan kabilang ang pasyente sa unang cluster ng nagpositibo sa La Trinidad, Benguet.


Sa ngayon, naikatergoryang recovered na ang tatlo habang nakumpleto na rin ang pagsasailalim sa quarantine ng mga may close contacts sa mga pasyente.

Nagpapatuloy naman ang contact tracing sa iba pang posibleng may pakikisalamuha sa mga pasyente at ang pagcontain sa transmission sa Bontoc at La Trinidad.

Facebook Comments