
Makikipagtulungan ang Barangay 28 Zone 3 at Barangay 73 Zone 7 Caloocan Ciy sa DZXL Radyo Trabaho para mabigyan ng mapagkakakitaan ang kanilang mga ka-barangay na walang trabaho.
Sa Barangay 28 Zone 3, sinabi ni Barangay Secretary Jerry Alfaro, 30 percent ng kanilang 41,200 total population ay wala trabaho.
Habang sa Barangay 73 Zone 7 Caloocan City Sinabi ni Barangay Secretary Andy Estrella na 45 percent lamang ang may trabaho nilang ka-barangay sa total population na 21,000.
Kapwa inihayag ng dalawang Barangay officials na bagamat may mga programa na silang ginagawa para matulungan ang mga ka Barangay nilang walang trabaho ay nais pa rin nilang tulungan sila ng DZXL Radyo Trabaho para mabawasan ang kanilang unemployment rate.
Sinabi ng dalawang opisyal na malaking tulong sa kanilang Barangay ang alok ng DZXL radyo trabaho na pagtulong sa paghahanap ng trabaho local and abroad at nagpasalamat dahil sa pagbisita ng DZXL radyo trabaho team sa kanilang lugar.








