2 bus driver, nagpositibo sa isinagawang surprised drug test ng LTO

Dalawang bus driver ang nagpositibo sa iligal na droga sa isinagawang random drug screening test simula noong Oktubre 25.

Ito ay mula sa kabuuang bilang na 103 sumailalim sa surprised drug test sa mga bus terminal sa panahon ng pagdagsa ng mga pasahero para sa Barangay at Sangguninang Kabataan Elections (BSKE) at Undas.

Sa datos Land Transportation Office (LTO), ang dalawang driver na nagpositibo sa iligal na droga ay mula sa DLTB Terminal sa Pasay City at Five Star Bus Terminal sa Edsa, Cubao.


Hindi na pinayagang makapagmaneho ang mga driver habang hinihintay pa ang resulta ng confirmatory test.

Kinumpiska na rin ang driver’s license ng mga ito.

Kabilang noon ang dalawang bus terminal na ininspeksyon ng LTO, isa rito ang Victory Liner sa Cubao.

Nasa 34 na bus units ang sumailalim sa road wothiness inspection, pitong units sa DLTB Terminal, 20 sa Five Star Bus at 8 units sa Victory Liner. Wala namang driver ang nagpositibo sa alcohol random test.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, kanilang inaasahan ang 1.6 million passengers na uuwi sa lalawigan mula kahapon, Oktubre 27 hanggang Nobyembre 6.

Mananatili ang high alert status ng LTO hanggang susunod na linggo sa pag-uwi ng mga pasahero mula sa mga lalawigan.

Facebook Comments