
Tinanggap ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 2 bus na donasyon mula sa isang bus firm nitong Byernes.
Ayon kay Transportation Secretary Banoy Lopez, malaking tulong sa ahensya ang nasabing mga donasyong bus para magbigay ng serbisyo sa publiko.
Gagamitin ng DOTr ang nasabing sasakyan para makapagbigay ng libreng sakay sa mga stranded na komyuter sa panahon ng bagyo at iba pang kalamidad.
Habang ang LTFRB naman ay gagamitin ang nasabing bus para mailapit ang serbisyo nito sa mga PUV operator at driver.
Nagpasalamat naman si Secretary Lopez sa nasabing bus firm dahil naniniwala itong mas maraming mamamayan ang maseserbisyuhan at matutulungan dahil sa nasabing donasyon.
Facebook Comments










