2-buwang gulang na sanggol sa Batangas, positibo sa COVID-19

304

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang dalawang buwang gulang na sanggol sa San, Jose Batangas.

Ayon sa Municipal Health Office, naka-isolate na ngayon ang pasyenteng sanggol.

Patuloy naman nagsasagawa ng contact tracing ang mga awtoridad at isasailalim sa swab test ang mga kapamilya ng sanggol para malaman kung may iba pang tinamaan ng virus.

Kaagad din i-disinfect ang tirahan ng munting anghel at kanilang karatig-lugar.

Sa huling tala ng health office, umabot na sa 16 ang kumpirmadong bilang na tinamaan ng kinatatakutang virus sa buong San Jose, habang lima sa kanila ay naka-recover na

Pumalo naman sa 409 ang kaso ng COVID-19 sa buong probinsiya ng Batangas, kung saan 33 ang pumanaw at 220 naman ang gumaling, ayon sa Deparment of Health-Region 4A.

Facebook Comments