Zamboaga Del Norte, Philippines – Nilalapatan ng lunas ang dalawang kasapi ng CAFGU na nasugatan sa nangyaring ambush ng armadong grupo sa Barangay Napulan, Sirawai, sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Base sa report mula sa Zamboanga del Norte PNP Provincial Command, kinilala ang dalawang nasugatang CAFGU na sina Usman Gadja Dambua at Jimmy Napi Bongbong na nakabase umano sa Barangay Lubok sa nasabing lungsod.
Nabatid na hinarang at pinaulanan ng bala ng hindi pa natukoy na bilang ng mga armadong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng lawless element ang dalawang CAFGU.
Matapos ang pamamaril ay tumakas umano ang grupo papunta sa bulubunduking bahagi sa lugar.
Inaalam na rin ng mga otoridad kung ano ang motibo ng mga salarin sa pananambang na ilang beses na ring nangyari sa parehong bayan at sa karatig na munisipyo ng lalawigan kung saan mga lawless element ang itinuturong responsable.
DZXL558
2 CAFGU, sugatan sa ambush ng lawless elements sa lalawigan ng Zamboaga Del Norte
Facebook Comments