2 Cameroonian nationals, arestado ng NBI sa kasong robbery-extortion at estafa

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pampanga ang dalawang Cameroonian nationals na sangkot sa kasong robbery-extortion at estafa.

Kinilala ng NBI ang mga dayuhang suspek na sina Vitalys Awa Njinwa a.k.a. Johnson Brown at Pensiga Derick SamA a.k.a. Stephane Andre Obame.

Ayon sa NBI, ang dalawang suspek ay inireklamo ng isang Koryano na natangayan ng mga ito ng ₱42.4-million.

Nabatid na may kinalaman ang operasyon sa shipment ng Gold Transport Operation mula Nairobi, Kenya, patungong Incheon, South Korea.

Hinimok naman ng NBI ang iba pang mga biktima ng mga dayuhang suspek na lumantad na rin at maghain ng reklamo.

Facebook Comments