2 Casualties sa Isabela, Naitala sa Pananalasa ng Bagyong Ulysses

Cauayan City, Isabela- Dalawang casualties ang naitala sa lalawigan ng Isabela sa kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Sa datos ng Isabela Police Provincial Office, ang isang nasawi ay naitala mula sa bayan ng Jones na kinilalang si Mark Angelo Atabug, 27 years old, residente ng brgy Esperanza, Angadanan, Isabela habang ang ikalawang casualty ay si Jomar Balbin, 18 years old, isang estudyante na taga Yeban Norte, Benito Soliven, Isabela.

Natagpuan na lamang ang kanilang bangkay matapos malunod sa nangyaring malawakang pagbaha dito sa Lalawigan.


Kinukumpirma naman ng PDRRMC Isabela ang ilang mga natatanggap na report na mayroong missing person sa kanilang lugar.

Samantala, tinatayang aabot na sa 3,687 na pamilya o katumbas ng 11,655 individuals mula sa iba’t-ibang bayan ang nasa mga evacuation centers sa Lalawigan at inaasahan pang madadagdagan ang bilang ngayong araw.

Wala na rin signal ng komunikasyon sa tatlong coastal towns sa Isabela na Kinabibilangan ng Divilacan, Maconacon at Palanan.

Hindi na rin madaanan simula pa kahapon ang sampung overflow bridges sa Isabela maging ang ilang mga pangunahing tulay at national highway.

Nakatakda namang mamigay ng mga relief packs ang bawat lokal na pamahalaan ng mga lugar na apektado ng malawakang pagbaha.

Facebook Comments