Cauayan City, Isabela- Binigyan ng halagang tig P100,000 ang dalawang centenarian sa Tabuk City, Kalinga mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pag-abot sa kanilang edad na 100.
Ang dalawang benepisyaryo ay sina Vicente Tamayao ng Brgy. Bagumbayan na ipinanganak noong January 1, 1922 at Miguel Dayagon ng Sitio Mabato, Amlao na isinilang naman noong April 8, 1921.
Ayon sa dalawang benepisyaryo, ibinunyag ng mga ito na ang kanilang sikreto sa pag-abot sa mahabang buhay ay pagkain ng mga gulay ganun din ang pagiging espirituwal at regular na pag-eehersisyo sa panahon ng kanilang kalakasan.
Inabutan ng City Government sina Tamayao at Dayagon ng halagang tig P50,000 habang mayroon pa silang hinihintay na tig-P50,000 mula naman sa pamahalaang panlalawigan ng Kalinga.
Facebook Comments