2 Chinese fishing boats sa east coast ng Pilipinas, namataan

Kinumpirma ng Philippine Navy ang presensya ng dalawang Chinese fishing boats sa east coast ng Luzon.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, natanggap niya ang report kahapon.

Namataan aniya ang dalawang barko sa 20 nautical miles sa east coast ng Luzon.


Bago nito naiulat ng security expert na si Ray Powell na nasa bahagi ng Casiguran, Aurora ang mga bangka ng China.

Samantala, sinabi ni Trinidad na sa kabila ng presensya ng dalawang fishing boats ay wala pa naman silang na-monitor na pangingisda na ginagawa ng mga ito kaya hindi pa ito maituturing na nakaalarma.

Sa ngayon, kumukuha pa ng karagdagang impormasyon ang Philippine Navy hinggil sa dalawang fishing boats ng China sa east coast ng bansa.

Maliban naman sa dalawang Chinese boat, mayroon ding ibang mga fishing boat na na-monitor ang Philippine Navy sa Exclusive Economic Zone ng bansa kung saan ang iba sa mga ito ay galing sa ASEAN countries.

Facebook Comments