2 Chinese National at 2 Iba pa, Huli sa Paglabag sa Social Distancing!

Cauayan City, Isabela- Hindi nakalusot sa IATF checkpoint ng Pamplona Police Station ang apat na katao na kinabibilangan ng 2 Chinese National matapos na lumabag sa Social Distancing na ipinapatupad sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

Kinilala ang mga nahuli na sina Charlie Chavez, 38 anyos, company driver, residente ng Dinalupihan, Bataan; Elizabeth Reyes, 38 anyos, Chinese translator, residente ng Arayat, Pampanga; Wang Xuewu, 46 anyos, laborer at Cao Lianxi, 60 anyos, foreman, kapwa residente ng Hunan, China.

Lulan ng mga ito ang Isang pick-up na may plakang NDM 7145.


Ang apat na indibidwal ay pawang mga empleyado ng isang Communication Company sa Pasig City at sila’y pansamantalang naninirahan sa Barangay Pukel, Sanchez Mira, Cagayan.

Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments