Naglabas na ng rekomendasyon ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa reklamong inihain laban sa dalawang Chinese national na isinasangkot sa mga iligal na aktibidad sa sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga.
Sa 14 pahinang resolusyon, pinakakasuhan ng DOJ sina Qin Ren Guo at Jiang Shi Guang batay na rin sa reklamong isinampa ng PNP-CIDG- Anti-Organized Crime Unit at dalawang complainants na sina Zhang Tie Zhu at Yu Zhou Jing.
Inirekomenda ng DOJ prosecutors na sampahan ng kasong qualified trafficking at kidnapping for ransom naman laban kay kay Guo.
Nakasaad sa resolusyon na may matibay na ebidensiya laban sa dalawa para ituloy ang kaso.
Isa sa biktima na kababayan ng mga suspek ang nakaranas umano ng pangto-torture habang nakatali sa kama.