2 Chinese nationals na nagsagawa ng ilegal na pagsasanay sa medisina, nahuli ng CIDG

Nahuli sa isinagawang law enforcement operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti- Organized Crime Unit ang dalawang chinese nationals na nagsasagawa ng ilegal na pagsasanay sa medisina sa Taguig City.

Ayon sa CIDG, ang mga naarestong suspek ay nahuling nagsasagawa ng facial injection at iba pang medical procedures sa mga kliyente nito na walang sapat na lisensya at permit mula sa tamang mga otoridad.

Narekober sa mga suspek ang ibat-ibang vials ng injectable substance, cosmetic products, hair removal machine, magnetic therapy machine, at equipment.

Nahaharap ang mga nasabing suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 2382 o ang Medical Act of 1959.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni CIDG Acting Director Police Major General Robert Morico II na ang estado ay pinoprotektahan ang pampublikong kalusugan at sinisigurong ang mga lisensyadong propesyonal lamang ang pwedeng magsagawa ng medisina sa bansa.

Facebook Comments