2 Chinese nationals na suspek sa panghoholdap sa kapwa Chinese, arestado

Hindi na pumalag pa ang dalawang Chinese nationals matapos silang makorner ng mga nag-responding police habang tumatakas sa kanilang biktimang Chinese national din.

Nakilala ang mga suspek na sina Wang Hui Yang, 27 years old, at Xie Jian Nan, 30 years old, parehong mga Chinese nationals.

Narekober sa mga suspek ang ₱5.9 milyon nakuha mula sa kanilang biktima.


Nagawa pang itago ng mga suspek ang ₱100,000.

Maliban sa pera, nakuha ng mga pulis ang dalawang baril tulad caliber .45 pistol na may lamang dalawang pirasong bala at isang caliber .45 magazine na ginamit ng mga suspek.

Kinumpiska rin nga mga pulis ang mula sa mga suspek ang apat na pirasong iPhone.

Kwento ng biktima, na Chinese national na si Zhu Haijun, 41 years old at risednte ng isang condominium sa Bel Air, Makati City, inalok siya ng mga suspek na iko-convert nila ang ₱6 million na pera nito sa Chinese money.

Kaya naman personal itong naipakita sa mga suspek.

Ayon sa biktima, matapos niyang ipakita ang pera sa mga suspek bigla nalang inisprehan ang kanyang mata dahilan para pansamantalang mawala ang paningin nito.

Agad naman tumakas ang suspek, pero kalaunan na gawa pang habulin ng biktima ang mga suspek, dahilan para pagbabarilin ito.

Kung saan ito naman ang dahilan para makuha ang atensyon ng mga pulis na nakatalaga sa kahabaan ng Commerce Avenue, Ayala Alabang, Muntinlupa City, pasado alas-4:00 ng hapon kahapon.

Nakakulong na ang dalawang suspek na Chinese National sa Muntinlupa City Police Station custodial facility at nahaharap ito sa kasong robbery hold-up.

Facebook Comments