2 chopper na susundo sa labi ng namatay na piloto sa plane crash sa Isabela, lumipad na sa crash site

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na lumipad na ang 2 helicopters na susundo sa labi ng pilotong si Capt. Levy Abol II na nasawi sa bumagsak na  Piper plane sa Isabela.

Ito ay kinabibilangan ng UH1H at SOKOL helicopters na umalis kaninang bago mag-ala una ng hapon sa Cauayan Airport.

Agad na dadalhin sa Cauayan ang labi ng piloto.


Naka-antabay na rin sa Diadi, Nueva Vizcaya ang K9 team.

Samantala, blangko pa rin ang CAAP sa kinaroroonan ng nawawalang pasahero na si Irma Escalante.

Facebook Comments