2 dam sa Luzon patuloy na nagpapakawala ng tubig – PAGASA

Patuloy ang pagpapakawala ng tubig ng dalawang dam sa Luzon mula pa nitong nagdaang araw.

Sa report ng PAGASA Weather Bureau, mula alas sais kagabi bukas ng 1.5 meters ang tatlong gate ng Ambuklao Dam na nasa Bokod Benguet habang binuksan naman ng 3 metro ang 6 na gate ng Binga Dam sa Itogon sa lalawigan pa rin ng Benguet.

Sa pinakahuling reading , nasa 750.79 meters ang water elevation ng Ambuklao Dam halos maabot na ang 752 meters normal level, habang ang Binga Dam ay nasa 574.15 meters water elevation bago pa mapantayan ang 575 meters normal level.


Samantala, ang ibang Dam sa Luzon tulad ng Angat sa Norzagaray Bulacan ay nasa 196.28 meters ang level ng tubig at mababa pa sa normal water elevation na 210 meters.

Ang Ipo Dam, base sa huling reading kagabi ay nasa 100.93 meters na ang level ng tubig at ang La mesa Dam sa Quezon City ay pumalo na rin sa 75.94 meters ang water elevation, mas mababa pa sa normal level na 80.15 meters water elevation.

Ayon pa sa PAGASA, asahan pa na madadagdagan pa ang supply ng tubig sa mga dam kung magpapatuloy pa ang pag-uulan sa mga susunod na araw.

Facebook Comments