Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang dating miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na sangkot sa iregularidad ng Commission on Audit (COA).
Ayon kay Pangulong Duterte, ito ay sina former Department of Justice (DOJ) Secretary at ang nakakulong na si Senator Leila de Lima at si former Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Si De Lima ay sangkot sa P617.44 million unliquidated cash advance noong 2013; habang si Roxas ay sa P7 billion halaga ng fund transfers na ginamit sa ilang proyekto sa ilalim ng pamumuno nito sa DILG noong December 31, 2014.
Ang ulat ay inilabas kasunod ng bigong pag-monitor ng gobyerno sa liquidation ng fund transfers at ang pagpapasa ng ng mga kinakailangan financial report.