2-day lockdown, muling ipinatupad sa Northwestern Spanish Region ng Galicia

Nagpatupad muli ng 2-day lockdown ang Spain sa Northwestern Spanish Region ng Galicia matapos tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa lugar.

Dahil dito, sinabi ni Prime Minister Pedro Sanchez na tanging ang mga magtatrabaho lang ang papayagang lumabas ng coastal district ng Marina.

Kailangan din aniyang magsuot ng face mask ang mga residente kung lalabas para pumunta sa mga beach at swimming pools.


Una nang nagpatupad ng lockdown ang spain sa North-Eastern Region of Catalonia matapos tumaas din ang kaso ng COVID-19 sa lugar.

Binubuo ang Galicia ng populasyong aabot sa 70,000 katao kung saan mayroon na itong kumpirmadong kaso na higit siyam na libo.

Samantala, umabot na sa higit 11.4 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, higit 6.1 milyon dito ang naka-rekober habang 533,780 ang nasawi.

Facebook Comments