Nakatakdang bumisita sa bansa bukas hanggang sa Huwebes si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.
Pangungunahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang welcome ceremonies para kay Prime Minister Anwar na gaganapin sa Malacañang Palace gayundin ang pagdaraos ng dinner banquet.
Inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting sa pagitan ng dalawang leader.
Kabilang sa posible nilang talakayin ang areas of mutual concern sa larangan ng politika, seguridad, pagtutulungan para sa ekonomiya at ugnayan ng mamamayan.
Pagkakataon din ito para makagpalitan sila ng pananaw ukol sa iba’t ibang regional and international issues.
Si Prime Minister Anwar Ibrahim ay ang unang head of government ng ibang bansa na bibisita sa Pilipinas sa ilalim ng Marcos administration.