2 dayuhang pugante na nagtangkang umalis ng bansa, hinarang ng BI sa NAIA

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang dayuhang wanted na nagtangkang umalis ng bansa sa Ninoy Aquino Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Bureau of Immigration, ang dalawang dayuhan na sina Zhao Yaxin, 33 years old, Chinese national at Badr Ettachi, 32 years old, isa namang Morrocan national.

Naaresto si Zhao sa NAIA Terminal 3 na lilipad sana patungong China habang naharang naman si Ettachi paalis ng bansa na patungo sana ng Singapore.


Napag-alaman na sangkot sa iligal online gaming operations si Zhou at isa sa 34 na Chinese na pina-deport ng Chinese government habang si Ettachi naman ay sangkot sa pagnanakaw ng $ 60,000 na dapat ay sahod ng mga seafarer na nagtatrabaho sa barko.

Sa ngayon kasalukuyan ng nasa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang dalawang suspek habang hinihintay pa ang kanilang deportation proceedings.

Facebook Comments