
Na-rescue ng Department of Migrant Workers (DMW)–Migrant Workers Office (MWO) Jeddah ang
dalawang distressed Overseas Filipino Workers o OFWs sa Jizan Province, Saudi Arabia malapit sa Yemen border.
Sa tulong ng Jizan Central Police Headquarters, matagumpay na na-rescue ang dalawang OFWs at
naibigay sa MWO Jeddah ang kustodiya ng mga ito.
Na-retrieve rin ang mga personal na gamit at pasaporte ng OFWs mula sa kanilang employer.
Naisa-ayos din ang kanilang sahod, at ang pagpaproseso ng kanilang exit visa.
Inabot lamang ng dalawang oras ang rescue at opisyal na nai-turnover ang dalawang OFWs sa pangangalaga ng MWO Jeddah.
Nabigyan din ng financial assistance, legal assistance at psychosocial support hanggang reintegration services ang mga na-rescue na Pinoy workers.









