Ipinatigil ni Environment Secretary Roy Cimatu ang operasyon ng dalawang dolomite mining company sa bayan ng Alcoy sa Cebu.
Kasunod ito ng ginawang pag-inspeksyon ng kalihim sa operasyon ng Dolomite Mining Corporation at Philippine Mining Service Corporation.
Partikular na ipinahihinto ng kalihim ang isinasagawang quarry operations at ang pagpoproseso ng planta ng dolomite.
Mananatili ang kautusan habang iniimbestigahan ang posibleng paglabag ng mga kompanya sa kanilang operations environmental impact.
Sinasabing nagdulot ng pagkasira ng coral reef, pagkalason ng tubig at polusyon sa hangin ang paraan ng operasyon ng dalawang dolomite mining companies.
Facebook Comments