2 Drayber, Arestado sa ‘Pot Session’

Cauayan City, Isabela- Natimbog ang dalawang lalaki matapos maaktuhang nagpa pot session sa Centro 1, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Alvin Pascual, 23 anyos, walang asawa, drayber, residente ng Barangay Sto. Domingo, Piat, Cagayan at Resty Misador, 36 anyos, drayber residente naman ng San Vicente, Santa Ana, Cagayan.

Isang Board Member ang nagbigay ng impormasyon sa mga kasapi ng PNP Tuguegarao City, Provincial Drug Enforcement Unit at PDEA Region 02 kaugnay sa ginagawang pot session ng dalawang suspek sa naturang lugar.


Agad itong nirespondehan ng mga otoridad na nagresulta sa pagkakahuli ng mga suspek kung saan nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga ito ang walong (8) piraso ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa sampung (10) gramo katumbas ang halagang Php70,000.00; dalawang (2) improvised tooter, isang (1) gunting, tatlong (3) aluminum foil, anim (6) na ginamit na plastic sachet at isang (1) lighter.

Dinala sa PNP Tuguegarao City ang dalawang suspek na parehong mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments